-- Advertisements --

Ikinonsidera ng ilang mambabatas na “big deal” at “small win” ang desisyon ng Korte Suprema na hindi mag-isyu ng Temporary Restraining Order (TRO) laban sa impeachment proceedings kay VP Sara Duterte.

Ayon sa mga miyembro ng House of Representatives, kabilang si ML party-list Rep. Leila de Lima, magpapatuloy ang proseso dahil walang kautusang pumipigil sa pagdinig sa Abril 14. Umaasa rin siya na magpapakita ng “judicial restraint” ang Korte Suprema at hayaan ang impeachment process na umusad.

Sinabi naman ni Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña na positibong development ang hindi paglabas ng TRO dahil mabibigyan ng pagkakataon na masagot ang mga alegasyon laban sa bise presidente. Dagdag pa ni De Lima, posibleng sinadya umano ang mga petisyon bilang “distraction” mula sa impeachment proceedings.

Ayon sa ilang mambabatas, kabilang sina Cendaña at Gabriela party-list Rep. Sarah Elago, dapat bigyang-prayoridad sa pagdinig ang mga testigo kaugnay ng umano’y confidential funds issue ng Bise Presidente. Para naman kay House justice panel member Rep. Joel Chua, ang impeachment ay hindi distraksyon kundi paghahanda sa tamang pagpili ng lider sa 2028. (report by Bombo Jai)