Tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na dadaan sa due process ang mga operators at drivers ng mga unconsolidated public utility vehicles (PUV).
Ito ang naging pahayag ni LTFRB Chairman Atty. Teofilo Guadiz III sa pagsisimula ngayong araw ng paghuli nila ng mga hindi sumailalim sa consolidation.
Dagdag pa nito na mahigpit nilang ipapatupad ang paghuli dahil sa natapos na ang palugit na kanilang ipinatupad.
Malinaw aniya mula pa simula na hindi na papayagang makabiyahe pa ang mga operators at drivers na hindi nakapag-consolidate.
Ang mga driver ng mga unconsolidated jeepney na patuloy na bumabiyahe ay maaring maharap sa isang taon na suspension.
Maari rin silang pagmultahin ng P50,000 at ma-impound ang kanilang sasakyan ng 30-araw.