-- Advertisements --

ILOILO CITY – Pressured na ang mga kandidata ng Miss Iloilo 2022 na masundan ang naging yapak ng Ilongga Beauty Queen at Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo.

Walong mga beauty queens ang official candidates sa nasabing pageant ngayong taon.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Prof. Kevin Piamonte, Theater at Pageant Director ng Miss Iloilo, sinabi nito na best of the best’ na ang walo na napili para sa pageant night.

Gaganapin ang coronation night sa Sabado, Enero 22, at i-livestream sa Official Facebook page ng Miss Iloilo.

Samantala, gaganapin naman ngayong araw ang Opening Salvo ng Dinagyang Festival 2022.

Ito na ang pangalawang taon na naging virtual ang Dinagyang festivity dahil sa Covid-19 pandemic.

Ayon kay Miss Joyce Clavecillas, executive director ng Iloilo Festivals Foundation Incorporated (IFFI), aasahang may caravan of drummers sa buong lungsod upang ibahagi ang festive mood na pangungunahan naman ng pitong barangay-based tribes.