-- Advertisements --

Umatras na ang mga bombero sa La Palma, Spain dahil sa patuloy na paglakas ng pagbuga ng abu ng bulkang Cumbre Vieja.

Halos mag-iisang linggo na ng naging aktibo ang nasabing bulkan na sumira na ng mahigit 350 kabahayan.

Mayroong karagdagang tatlong bayan pa ang kanilang inatasang lumikas dahil sa patuloy na banta ng bulkan.

Lumawak din ang epekto ng makapal na usok mula sa bulkan na umabot sa apat na kilometro.

Wala namang naitalang nasawi dahil sa naagapan ng mga residente na malapit sa bulkan ang lumikas.