ILOILO CITY – Sumipa na sa higit 11,000 katao ang naaapektuhan ng pananalasa ng Tropical Depression Agaton sa Iloilo Province, na dahilan na rin ng pagtungo ng libu-libong pamilya sa loob ng mga evacuation centers.
Sa ngayon ang tig-isang patay at nawawala sa Sara, Iloilo habang kumpirmado rin ang isang patay sa Suclaran, San Lorenzo, Guimaras.
Binaha nang husto ang ilang lugar sa Sara, Lemery, Concepcion, Barotac Viejo, Ajuy, Banate, at San Dionisio, dahilan para malubog ang mga kabahayan at establisyemento.
Nalubog rin sa baha ang mga taniman ng palay at pakwan sa nasabing mga bayan.
Sa ngayon, may mga tulay rin na nasira sa Monfort Bridge sa Dingle, Iloilo at sa Alimono, Passi City.
Nagka-landslide rin sa San Enrique, Iloilo.
Samantala, ang nasa ligtas nang kalagayan ang personnel ng Bureau of Fire Protection na halos tatlong oras na na-missing sa kalagitnaan ng pagsasagawa nito ng rescue operations sa Ajuy, Iloilo.
Ang BFP personnel ay FO1 Nick Steven Cañete, residente ng Negros Occidental ngunit na-assign sa Ajuy fire station.
Dahil sa malakas na agos ng tubig, naanod umano si Caِnete at halos tatlong oras na nawala.
Sa huli, nakita ito ng rescue team sa isang puno na naghihintay ng rescue.
Samantala, suspendido rin ang byahe ng Ceres bus via Iloilo-Caticlan at Iloilo-Roxas and vice versa.