-- Advertisements --
Inanunsyo ng Land Transportation Office na target nilang resolbahin ang mga backlogs sa mga motor vehicle license plates hanggang sa Nobyembre 15 ng taon ito.
Ayon sa ahensya, pagkatapos ng Nov. 15 ay asahan na wala nang backlogs sa mga plaka.
Kung maaalala, inanunsyo ng LTO na aabot sa 179,000 ang kabuuang backlogs sa mga motor vehicles plate.
Sa datos naman na ibinigay ni Sen. Grace Poe, budget sponsor ng Department of Transportation, aabot sa 990,000 na motor vehicle license plates ang hindi pa na re release.
Sa kabilang banda, may tinatayang 13 milyong backlog sa mga lisensya ng motorsiklo, na maaaring tumagal pa hanggang 2025 bago ma-clear.