Bahagyang tumaas” sa 0.71 ang reproduction number ng Covid-19 ng Metro Manila.
Ayon kay OCTA fellow Dr. Butch Ong medyo bahagyang umakyat pero hindi pa naman ganon ka-alarming.
Ang ating daily new case ay below 200 pa lamang.
Ang mga factors na nag-aambag sa “slight increase” na ito sa reproduction number ng Metro Manila ay kinabibilangan ng mass gatherings, campaign-related activities, at hindi pagsunod sa minimum public health standards.
Dagdag pa ni Ong, kasalukuyang binabantayan ng grupo ang bilang ng mga kaso sa Metro Manila, Cavite, Rizal, Cotabato, Zamboanga, at Batangas upang makita kung tataas o bababa ang trend sa susunod na tatlo hanggang limang araw.
Samantala, sinabi ni Ong na ang independent group na OCTA ay pabor sa desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na ilagay ang Metro Manila sa Alert Level 1 hanggang Mayo 15, 2022.