-- Advertisements --

Determinado si Sharon Cuneta sa target nito na mag-diet.

Ito’y kasunod ng kanyang pag-post ng lumang larawan kasama ang dalawang anak na sina Miel at Frankie Pangilinan kung saan sila ay pawang naka-swimsuit.

Ayon sa 54-year-old multimedia star, pakiramdam niya ay pumapayat na talaga siya sa araw-araw na pagti-treadmill pero sana ay huwag mabatikos.

https://www.instagram.com/p/CHEkW1-HAbd/

Una nang inamin ng Megastar na layunin ng pagbabawas niya ng timbang ay upang maisuot na ang mga in-order niyang mamahaling damit na maliit ang size.