-- Advertisements --

Idinaan na lamang sa biro ni Sharon Cuneta ang pagkakaospital nito kagabi.

Sa kanyang online post, sinabi ng tinaguriang Megastar na sobrang nanakit ang kanyang mata kaya kinailangan siyang isugod sa emergency room ng isang private hospital sa Makati.

“Nairritate lang dahil sa bahay when it was itchy and a bit sakit I scratched and washed it. Ayan,” bahagi ng caption nito sa larawan.

Sa ngayon ay nasa recovery process na ang 54-year-old singer/actress pero hindi nabanggit ang dahilan ng kanyang eye irritation.

Biro ni Sharon, kulang na lang daw ay makasama niya si Johnny Depp at sabay na raw silang “mag-Pirates sa Caribbean.”