ILOILO CITY – Nagbabala si Iloilo City Mayor Jerry Treñas hinggil sa mga gumagamit sa kanyang pangalan sa scam.
Ito ay matapos may nag-order ng pagkain sa isang restaurant sa Jaro, Iloilo City at hiningan pa ng libo-libong halaga ng cellphone load ang cashier
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Treñas, sinabi nito na umiiyak na tumawag sa kanyang opisina ang cashier nga siyang tumanggap ng order.
Anya, nag-order ng pagkain ang caller na nagpakilalang si Mayor Treñas sa halagang P8, 270 at nanghingi pa ng P3, 000 na cellphone load.
Nang tinawagan ng cashier, hindi na makontak ang nagpakilalang alkalde.
Dahil sa awa, binayaran na lang ng alkalde ang order at ibinigay ang pagkain sa kanyang mga staff.
Naniniwala naman ang alkalde na mga kalaban nito sa politika ang nasa likod ng nasabing scamming.