-- Advertisements --

Maaaring tumagal pa hanggang weekend ang mga pag-ulan sa Visayas at Mindanao dahil sa makapal na ulap na dala ng isang low pressure arae (LPA).

Huling namataan ang namumuong sama ng panahon sa layong 135 km sa silangan ng General Santos City.

Pero ang extension nito ay umaabot hanggang sa malaking parte ng Visayas at Mindanao.

Lantad din sa thunderstorm ang iba pang bahagi ng bansa, lalo na tuwing hapon at gabi.

Samantala, sa Luzon naman ay nakakaapekto ang easterlies, na naghahatid ng mainit na hangin at biglaang mga pag-ulan, na posibleng magresulta sa baha at pagguho ng lupa.