-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Malaki ang pasasalamat ni Mayor Karissa Fetalvero-Paronia sa bayan ng Sison, Surigao del Norte na walang casualty sa tropa ng pamahaaln matapos ang ginawang harassment ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa kanilang municipal police station kaninang alas-8:30 ng umaga.

Ayon sa alkalde, nagsimula ang putukan sa likurang bahagi ng Municipal Hall, na malapit lamang sa kanilang sementeryo at sa kanyang bahay kung kaya’t dinig-dinig niya ang pangyayari.

Kaagad na nagsitakbuhan din ang kanilang mga empleyado at mga nakatatanda na tatanggap sana ng kanilang pay-put mula sa Municipal Social Welfare and Development (MSWD) nang tumakas sa hindi malamang direksyon ang mga rebelde.

Sa kabila nito’y nilinaw ng alkalde na magpapatuloy ang kanilang pagbibigay ng serbisyo sa kanilang mga constituents.