-- Advertisements --

Papayagan na ang mga religious gatherings sa mga lugar sa bansa na nasa ilalim na ng modified general community quarantine (MGCQ).

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, batay sa Resolution No.43 ng Inter-Agency Task Force on the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF), pwede na ang mga religious gatherings sa loob ng simbahan pero hanggang 50 percent ng kabuuang sitting capacity ang papayagan.

Ayon kay Sec. Roque, kailangan pa ring masunod ang social distancing sa loob ng simbahan para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine gaya sa Metro Manila, bawal pa rin ang religious gatherings.