-- Advertisements --
CAUAYAN CITY – Nagpadala na ng emergency employment assistance ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga apektado ng malakas na lindol sa Masbate.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Labor Secretary Silvestre Bello III, sinabi niya na nagpadala na siya ng tulong para sa pangkabuhayan ng mga apektadong manggagawa.
Aniya, ginagawa lahat ng pamahalaan lalo na ng DOLE na mabigyan ng tulong ang mga naapektuhan.
Maliban sa DOLE, nagtutulungan na rin ang iba’t ibang departamento ng pamahalaan tulad ng Department of Social Welfare and Development, Department of Trade and Industry at Department of Health.