-- Advertisements --
image 230

Mas maraming Pilipino ang naging masaya ang ngayong Pasko ayon sa survey na isinagawa ng SWS.

Batay sa nationwide survey na inilabas ng Social Weather Stations, nasa 73% ng mga Pilipino ang masayang ipinagdiwang ang Pasko ngayong taon.

Mas mataas ito ng 8% noong nakaraang taon na umabot lamang sa 65%.

Nasa 7% naman ang nagsabi na sila ay malungkot ngayong Pasko at nasa 19% naman ang hindi sigurado kung sila ay masaya o hindi.

Isinagawa ang naturang survey mula December 10 hanggang 14 sa mahigit 1,200 Filipino adults sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao at may sampling error margin na positive negative 2.5%.