-- Advertisements --
image 215

Asahan ang mas mababang presyo ng pamasahe sa buwan ng Hunyo.

Ayon sa Civil Aeronautics Board (CAB), ang pagbaba ng airfare o pasahe sa eroplnao ay bunsod ng pagbaba ng fuel surcharge para sa Hunyo.

Ang fuel surcharge ay isang optional fare o pasahe na hiwalay mula sa binabayarang base fare ng mga biyahero.

Sa advisory ng CAB, ang passenger at cargo fuel surcharges para sa domestic at international flights ay bumaa sa Level 4 mula sa Level 5.

Sa ilalim ng Level 4, ang mga pasahero ay may babayarang P117 hanggang P342 sa fuel surcharge para sa domestic flights depende sa distansiya ng biyahe.

Para naman sa international flights, pumapalo ang fuel surcharge mula sa P385.70 hanggang P2, 867.82.

Sa ilalim naman ng kasalukuyang Level 5, ang fuel surcharge para sa domestic passenger flights ay papalo mula sa P151 hanggang P542 depende sa distansiya habang ang international passenger flights naman mula sa Pilipinas ang fuel surcharge ay pumapalo sa P498.03 hanggang P3,703.