-- Advertisements --
Tahasang nagbabala ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte ng pagdedeklara ng Martial Law kung magpapatuloy ang karahasang ginagawa ng New People’s Army (NPA) lalo sa panahon ng COVID-19 pandemic.
Sa kanyang public address, sinabi ni Pangulong Duterte na nakatuon lamang ang Martial Law laban sa NPA at sa mga komunista.
Ayon kay Pangulong Duterte, magde-deliver lang ng pagkain at pera ang tropa ng pamahalaan sa mga nangangailangang mamamayan pero inatake ng NPA kung saan dalawang sundalo ang napatay.
Inihayag ni Pangulong Duterte na pinapayuhan nito ang mga rebelde na huwag sumuko at lumaban para tuluyan silang papatayin.