Ngayon pa lamang ay mis na agad ni Mariel Rodriguez ang asawa at kapwa celebrity na si Robin Padilla.
Bumiyahe na kasi patungong Amerika ang 35-year-old TV host para isilang ang baby No. 2 nila ni Binoe.
Una nang naiulat na babae rin ang pangalawang baby nila ng tinaguriang Bad Boy in Philippine Showbiz.
“Here we are embarking on another journey… Making sacrifices and doing what’s best for our children. Thank you for our trip, babe! We miss you already!” saad ni Rodriguez sa larawan nila kasama ang firstborn na si Isabella. “When we see you next time we will be with Gabriela.”
Nitong Mayo nang ianunsyo ni Mariel na siya ay three months pregnant na aniya’y “perfect Mother’s Day” gift.
Taong 2016 nang isilang si Isabella, anim na taon matapos ang kontrobersyal na pag-iisang dibdib sa pamamagitan ng private ceremony sa Taj Mahal sa India.
Kung maaalala, dalawang miscarriage ang naranasan ng TV host bago ang matagumpay na panganganak.