-- Advertisements --
Marcos on UNGA

Ipinagmalaki ngayon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang nalagpasang revenue targets at pinangunahan ang pagpapatupad ng important grants at technical assistance ngayong 2022.

Sa kanilang year-end report, sinabi ni Department of Finance (DoF) na ang kasalukuyang revenue collections mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) ay pumalo na sa P3.2 trillion at nalagpasan na ang full-year 2022 Development Budget Coordination Committee (DBCC) target sa 2.2 percent.

Tumulong din ang finance department sa facilitate sa pamamahagi ng grants at technical assistance na nagkakahalaga ng tinayayang $85.5 million o P4.7 billion.

Ang iba pang accomplishment ng DoF para ngayong taon at kibabibilangan ng resolution sa tax incentives para sa business activities sa labas ng zone limits, commitment sa Extractive Industries Transparency Initiatives (EITI) at ang revision ng implementing rules and regulations (IRR) para sa Build-Operate-Transfer Law.

Naging showcase din ang Philippine Economic Briefings and Meetings na mayroong credit rating agencies gaya ng Standard & Poor’s at Fitch and Moody’s, para sa economic prospects.

Ito ay bilang dagdag sa hosting ng DoF sa 55th Annual Meeting ng Asian Development Bank (ADB).

Para naman sa susunod ns taon, ang major activities ng ahensiya ay ang rightsizing ng DoF bureaucracy habang tinatrabaho ang pag-streamline sa organization at ang pag-proseso para ma-maximize ang efficiency at paggamit ng public funds.

Target din ng DoF ang pagsusulong sa key measures kabilang na ang Package 3 at 4, Excise Tax sa Single-Use Plastics, Value Added Tax sa Digital Service Providers, Ease of Paying Taxes at Mining Fiscal Regime.

Plano rin nila ang target private sector fund mobilization sa pamamagitan ng public-private partnership (PPP) projects at ilulunsad din ang pioneering projects kasama ang Project Management Office (PMO)-led assets gaya ng Basay Mining Rights, Tala Estate Property at Food Terminal Inc. Property.

Ipatutupad din ang Tax administration reforms para mapaganda pa ang tax efforts, i-maximize ang government revenue potential, i-simplify ang taxpayer compliance at i-automate ang BIR at BoC processes.

Inaasahan din ng national government na ma-secure sa susunod na taon ang $19.1 billion o katumbas ng nasa mahigit P1 trillion na halaga ng official development assistance (ODA), $9.2 billion o P508 billion na halaga loans mula sa multilateral development partners at $9.8 billion o P541 billion loans mula sa bilateral lenders.