Nanguna ang mga manlalaro ng Philippine Tennis Academy (PTA) na sina Arriana Reign Maglana at Louraine Jallorina sa Juntaphil Cup na ginanap sa Rizal Memorial Tennis Center.
Si Maglana ay tinanghal na kampeon sa U14 singles at nakipagtulungan kay Jallorina upang manalo sa U18 doubles.
Si Maglana, 13 taong gulang mula sa Davao de Oro, ay nanalo sa singles final game kay Vania Parawan, 7-5, 6-2, habang si Jallorina naman, 14 taong gulang mula Iloilo, ay tinanghal na kampeon sa U16 singles matapos talunin si Chiara Mae Bate, 6-2, 6-1.
Ayon kay PTA head coach Bobie Angelo, may malaking potensyal aniy ang mga batang manlalaro na maging mas magagaling sa hinaharap.
Si Maglana at Jallorina ay nagpasalamat sa kanilang tagumpay at sinabing magpapatuloy sa mga training para sa mga susunod pang kompetisyon.
Kasama nila sa mga nanalo sa Juntaphil Cup sina Jan Caleb Villeno (boys U12), Marcus Lorenzo (boys U14), at iba pa.