-- Advertisements --

Umabot na sa mahigit P3.1 million ang special collection ng Manila Cathedral sa Intramuros para sa mga biktima nang pananalasa ng Bagyong Odette.

Sa kanilang ulat ngayong araw ng Martes, sinabi ng Manila Cathedral na kabuuang P3,144,717.95 na ang kanilang nakolekta.

Labis na nagpapasalamat sila sa mga nagbibigay ng donasyon para sa mga sinalanta ng Bagyong Odette, na higit na nangangailangan ng tulong sa kasalukuyan.

Nauna nang nanawagan si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na tumulong sa mga apektado ng nagdaang bagyo.

Kahapon, nanawagan din ang CBCP sa dioceses na magsagawa ng second collection sa lahat ng mga Misa sa Disyembre 25 at 26 para sa mga binagyo.