-- Advertisements --
Itinurnover na kanina ng city government ang 22 brand new na motorsiklo sa Mandaue City Police Office.
Dinaluhan ang nasabing seremonya nina Mayor Jonas C. Cortes, Bise-Mayor Glenn O. Bercede pati na rin ang MCPO City Director at hepe ng mga pulis sa lungsod na si Police Colonel Jonathan Abella.
Sa paggamit ng mga bagong motorsiklo, pagtuonan ng pulisya ang kampanya laban sa iligal na droga, pagsugpo sa kriminalidad at pagpapatupad ng mga health protocols ngayong may COVID-19 pandemic.
Hindi na rin mahihirapan pa ang mga pulisya na pasukin ang mga makitid at masikip na mga kalsada at eskenitas sa tuwing magsagawa ang mga ito ng pagroving.
Kung maaalala, nag-turn over din ng 11 SUV ang lungsod sa Mandaue City Police noong nakaraang tao