-- Advertisements --

Naglabas na ng babala ang Pagasa dahil sa mga pag-ulan at pagbahang aasahan dahil sa tropical depression Carina.

Ayon sa kay Pagasa forecaster Benison Estareja, ngayong araw ay may mga lugar nang makaranas ng malalakas na buhos ng ulan.

Kabilang sa mga maaapektuhan ang malaking bahagi ng Luzon dahil sa bagyong Carina at sa nahahatak nitong ulap.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 245 km sa silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Kumikilos ito nang pahilagang kanluran sa bilis na 15 kph.

Taglay na ng sama ng panahon ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.

Dahil dito, nakataas ang signal number one (1) sa mga sumusunod na lugar: Batanes, Babuyan Islands, northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana,Gonzaga,Santa Teresita, Buguey, eastern Lal-lo, eastern Gattaran at eastern Baggao).