-- Advertisements --
Bumwelta ang Palasyo Malacañang kay VP Sara Duterte matapos nitong punahin ang umano’y pamamalakad ng administrasyon sa unemployment at ekonomiya.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, tila “hindi updated” o behind the times umano ang Bise Presidente sa mga kasalukuyang programa ng gobyerno at mga isyung pambansa.
Nauna rito, tinawag ni Duterte na “papansin” umano si Castro at sinabing nagdudulot ito ng kahihiyan sa bansa.
Bilang tugon, iginiit ng Palace spokesperson na hindi sila “attention-seeking,” kundi tumutugon lamang sa mga tanong ng media. Aniya, bahagi lamang ito ng responsibilidad ng opisina na magbigay-linaw sa publiko kapag may mga isyung ibinabato laban sa administrasyon. (report by Bombo Jai)
















