Matagumpay na nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Custom ang 614 grams ng Shabu na mayroong street value na P4.237 million pesos.
Ang naturang ilegal na droga ay nakatago umano sa loob ng dalawang stainless steel oven toaster.
Una ng na tag na kahina hinala ang naturang shipment matapos itong isalang sa X-ray Inspection Project ng mga tauhan ng nasabing ahensya.
Kaagad rin itong isinailalim sa K9 sniffing ng Philippine Drug Enforcement Agency K9 Unit at dito nga nakumpirma na mayroong presenay ng ipinagbabawal na droga sa loob ng bagahe.
Nagsagawa rin ng physical examination ang ilang tauhan ng Bureau of Custom kasama ang ilang kawani ng Media, barangay officials at kinatawan mula sa Customs Anti-Illegal Drugs Task Force , Enforcement and Security Service, Customs Intelligence and Investigation Service, X-ray Inspection Project personnel , at Philippine Drug Enforcement Agency .
Dinala ang mga nakuhang samples sa Philippine Drug Enforcement Agency para sa isasagawang laboratory analysis na kung saan kinumpirma rin nito ang presensya ng Methamphetamine Hydrochloride o mas kilala sa tawag na Shabu.
Ang shabu ay mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Siniguro naman ni Custom Commissioner Bienvenido Y. Rubio na patuloy silang makikipag coordinate sa kanilang mga counterparts para mapigilan ang pagpasok ng mga ilegal na droga sa ating bansa.