-- Advertisements --
image 24

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nakahanda ito at mayroong sapat na assets para tulungan ang Cagayan Valley at Tacloban na nakikitang matinding maapektuhan ng northeast monsoon o amihan.

Sa datos ng DSWD noong Enero 2, mayroong mahigit P100 million halaga ng standby funds at 576,455 available family food packs ang nakahandang ipamahagi para sa mga maapektuhang LGUs.

Sa fields office ng DSWD sa Region 2, naka-prepositioned na ang nasa 24,400 family food packs at 5,400 non-food items na ipapamahagi sa 83 mga lokal na pamahalaan at dalawang provincial government.

Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng DSWD sa Municipal Action Teams at sa kanilang disaster response personnel na naka-stanby na rin.

Samantala, nag-isyu na rin ang Eastern Visayas Filed office 8 ng direktiba na nagpapahintulot sa skeletal workforce sa kanilang empleyado kasunod ng deklarasyon ng work suspension ng concerned LGUs dahil sa pag-ulan na nararanasan sa Tacloban.

Nauna ng ibinabala ng state weather bureau ang posibleng flash floods o landslides dahil sa katamtaman hanggang sa matinding pag-ulan sa nasabing mga lugar.