Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na umabot pa rin sa 865 pasahero, truck drivers, at cargo helpers ang na-stranded sa iba’t ibang pantalan sa bansa dahil sa masamang panahon. Kasama rin sa na-stranded ang 210 rolling cargoes, 5 vessels, at 3 motorbancas.
Sa Southern Tagalog, naitala ang 263 pasahero at 28 rolling cargoes na hindi nakabiyahe, habang 114 vessels at 118 motorbancas ang pansamantalang sumilong. Sa North Western Luzon, may 20 vessels na nagkubli sa mga pantalan. Sa Southern Visayas, 9 rolling cargoes ang na-stranded at 2 vessels ang nagkubli.
Sa BARMM, umabot sa 220 pasahero at 1 vessel ang na-stranded sa Bongao Pier. Sa Palawan, naitala ang 57 pasahero, 7 rolling cargoes, at 4 vessels na hindi nakabiyahe, habang 1 vessel ang pansamantalang sumilong.
Sa North Eastern Luzon, 4 vessels at 14 motorbancas ang nagkubli.
Sa Central Visayas, naitala ang 1 rolling cargo at 5 vessels na na-stranded, habang 14 vessels at 12 motorbancas ang pansamantalang nagkubli. Sa Western Visayas, umabot sa 230 pasahero at 154 rolling cargoes ang na-stranded, habang 4 vessels at 1 motorbanca ang nagkubli. Sa Bicol Region, naitala ang 95 pasahero, 11 rolling cargoes, at 3 motorbancas na hindi nakabiyahe, habang 7 vessels at 6 motorbancas ang pansamantalang sumilong.
Sa kabuuan, 59 pantalan ang naapektuhan ng masamang panahon.
Naitala ng PCG na 865 pasahero, 210 rolling cargoes, 5 vessels, at 3 motorbancas ang na-stranded, habang 156 vessels at 151 motorbancas ang pansamantalang nagkubli para sa kaligtasan.
















