-- Advertisements --
iniulat ni Department of Migrant Workers (DMW) Officer in Charge Hans Cacdac na natanggap na ng 843 displaced overseas Filipino workers (OFWs) na nagtrabaho sa mga construction firm sa Saudi Arabia na nalugi noong 2015 at 2016 ang kanilang hindi pa nababayarang suweldo
Ayon sa opisyal, naipamahagi na ang 843 cheque na nagkakahalaga ng P691.4 million.
Kasalukuyang inaantay pa ng ahensiya na mairelease ang karagdagang 300 cheque.
Tuloy din aniya ang pakikipag-ugnayan ng ahensiya sa Saudi government para matulungan ang mga ofw na hindi pa nakakuha ng kanilang sahod.