-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Department of Migrant Workers (DMW) na mayroong ilang libong mga trabaho ang bukas sa mga international cruise ship.

Ayon sa DMW na dinagdagan nila ang cruise ship passengers matapos ang muling pagbubukas ng mga pantalan sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Maraming Filipino ngayon ang kailangan sa mga barko dahil sa kakaunti na ang mga Ukrainian seafarers dahil sa kaguluhan sa Russia.

Ilan sa mga trabahong bukas sa cruise companies ay ang housekeepers, entertainers, cooks, chefs, plumbers at welders.

Hindi bababa sa aniya sa 5,000 na mga cruise ship personnel ang hinahanap sa loob ng tatlong buwan.