-- Advertisements --
KORONADAL CITY – Umaabot sa mahigit 30 pamilya ang apektado ng pananalasa ng pagbaha sa ilang barangay sa Bagumbayan, Sultan Kudarat.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Bagumbayan Mayor Jonalette de Pedro, karamihan sa mga ito ay nasa Brgy. Sarmiento, maliban pa sa mga barangay ng Poblacion, Daguma at Kapaya.
Aabot daw sa hanggang tuhod ang lalim nito.
Inihayag rin ng alkalde na nakapagtala rin sila ng landslide sa Brgy. Titulok at Brgy Chua.
Patuloy rin aniya ang damage assessment sa kabuuang halaga ng pinsala sa imprastraktura at agrikultura bunsod ng kalamidad.
Sa ngayon ay unti-unti nang bumabalik ang mga residente kung saan binigyan nila ng P1,000 hanggang P3,000 ayuda ang mga apektadong pamilya.