-- Advertisements --
Nasa mahigit 3,000 na mga walang trabaho at out of school youth ang may tsansa na makakuha ng trabaho sa bansa.
Ito ay matapos ang pagpirma ng kasunduan sa pagitan ng YouthWorksPH at Philippine Business for Education na magbibigay ng libreng skills training.
Ang YouthWorksPH ay P1.7 billion workforce development project ng United States Agency for International Development o USAID.
Ayon kay PBEd Board of Trustees chairman Ramon Del Rosario Jr na dahil sa nasabing programa ay mababawasan o mawawala na ang mis-matched na trabaho dahil isasanay ang mga tao sa tamang trabaho na kanilang nanaisin.
Ilang mga malalaking private companies ang kasama na nilang pumirma sa nasabing kasunduan.