-- Advertisements --

Mahigit 3,000 na mahihinang at sunod-sunod na lindol ang na-monitor sa Southern Mindanao mula 2025 hanggang Enero ngayong taon, ilang buwan bago ang magnitude 7.8 na lindol na tumama sa isla noong Lunes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Inilabas ang pag-aaral noong Mayo 15 na tumutukoy sa aktibidad ng Cotabato Trench, isang fault line sa ilalim ng dagat na aktibo sa rehiyon.

Ayon sa PHIVOLCS science research, ang mga sunod-sunod na pagyanig o earthquake swarm ay naitala sa loob ng panahong iyon, na indikasyon na nananatiling aktibo ang naturang trench.

Ang tinutukoy na matinding lindol noong 1976 ay ang Moro Gulf earthquake (Magnitude 8.1), na itinuturing na isa sa pinaka mapinsalang lindol sa kasaysayan ng Pilipinas.

Nilinaw din ng PHIVOLCS na ang naitalang earthquake swarm at ang naganap na magnitude 7.8 na lindol ay hindi nanggaling sa iisang fault. Ayon sa kanila, magkaibang segment ng Cotabato Trench ang pinagmulan ng mga pagyanig.

Ayon pa sa mga eksperto, kahit hindi direktang indikasyon ng malakas na lindol ang earthquake swarm, mahalaga pa rin itong paalala na aktibo ang fault line at dapat laging handa ang mga residente sa posibleng mangyayaring mga pag-yanig.