-- Advertisements --

ILOILO CITY- Walang nareport na casualty, missing o sugatan kasunod ng pagtaas ng tubig-baha sa ilang mga bayan sa probinsya ng Antique.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Broderick Train, pinuno ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa Antique, sinabi nito na unti-unti na ring bumaba ang lebel ng tubig baha.

Ayon kay Train, umabot sa 1,111 ang apektadong pamilya na inilikas.

Napag-alaman na kabilang sa mga lugar na binaha ay ang Igcocok, Catungan I, II, III, at IV sa Sibalom; Catungan-Bugarot, Inabasan, Maybato North, Supa, Bariri, Bagumbayan, at San Pedro sa San Jose; at Calala, Pu-ao, at Piapi I sa Hamtic.

Sa ngayon, patuloy ang assessment sa halaga ng pinsala sa sektor ng agrikutura sa nasabing lalawigan.