-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Napili bilang chairman ng House Committee on eace Unity and Reconciliation si Maguindanao 2nd District Rep. Esmael “Toto” Mangudadatu.

Ayon kay Mangudadatu, magandang pagkakataon ito para maisulong ang mga programang pangkapayapaan sa Bangsamoro region at maging sa ibang panig ng bansa.

Sinasabing napagbati ng kongresista ang libo-libong magkakalabang pamilya sa Maguindanao sa siyam na taong panunungkulan nito bilang gobernador ng lalawigan.

Hinikayat din ni Mangudadatu ang iba’t ibang sektor na makiisa sa kanyang peace, unity and reconciliation efforts dahilan para bumuti ang peace and order situation sa Maguindanao at lumago ang ekonomiya ng lalawigan sa panahon ng kanyang panunungkulan.

Si Mangudadatu ay vice chairman din ng House Committees on Local Government, Mindanao Affairs at National Defense.

Samantala, nahirang din bilang chairman ng House Committee On Muslim Affairs si Lanao del Sur 1st District Rep. Ansaruddin Alonto Adiong.