-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Patay ang isang magsasaka sa gitna ng paghuhukay sa lupa sa Kayapa, Nueva Vizcaya.

Ang biktima ay si Nason Window, 62-anyos na balo, at residente ng Pangawan sa nasabing lugar.

Lumabas sa pagsisiyasat ng Kayapa Police Station na naghuhukay ang biktima ng lupa upang mapatag ang gilid ng bundok subalit biglang gumuho ang lupa sanhi para matabunan siya ng buhay.

Kaagad namang hinukay ang biktima ng mga nakakita at dinala sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival ng attending physician.