-- Advertisements --
Screenshot 2020 10 17 12 26 23

BUTUAN CITY – Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa bayan ng San Francisco, Agusan del Sur upang makilala at mahuli na ang mga responsable sa pamamaril-patay sa mag-asawang senior citizens pasado alas-sais nitong nakalipas na gabi mismo nilang bahay.

Nakilala ang mga biktimang sina Exequil Naldoza, 65 at asawa nitong si Feliciana, 62, parehong residente ng Purok 1, Brgy. Bayugan 2 sa nasabing bayan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, dalawang mga lalaki umano ang bumaril sa mag-asawa sabay takas sa di malamang direksyon.

Narekober sa crime scene ang anim na mga basiyo ng kalibre .45 pistol.