Reading Time: 1 minute

TACLOBAN CITY – Patay ang mag-asawa matapos ang banggaan ng single na motorsiklo at pampasaherong bus sa national highway ng barangay Old Mahayag, Catbalogan City.

Kinilala ang mga biktima na sina Nonito Malaque, 36, at Michelle Malaque, 30, parehong residente ng barangay San Antonio Jasaan, Misamis Oriental.

Kinilala naman ang driver ng bus na si Macario Monetro, residente ng Barangay Lupac, Guiuan, Eastern Samar.

Ayon kay Staff Sgt. Elmer Campanero ng Catbalogan Police Station, biyahe pa norte ang naturang single na motor habang biyaheng timog naman ang pampasaherong bus ng pagdating sa kurbadang parte ng kalsada ay namiskalkula ng motorsiklo ang kanyang pagliko hanggang sa bumangga sa kasalubong na bus.

Dahil sa lakas ng impact ng pagkabangga ay nagtamo ng grabeng injury sa ulo at sa iba’t ibang parte ng katawan ang mag-asawa na idineklarang dead on arrival.

Agad namang nakatakas ang driver ng bus bago paman na makarating ang mga otoridad sa lugar kung saan nangyari ang insidente.