-- Advertisements --

Nakatutok na rin ang Local Water Utility Administration (LWUA) sa pagtukoy kung nararanasan rin sa ibang mga paaralan ang kawalan ng water supply, na nakakaapekto sa kalinisan o sanitasyon ng mga maga-aral sa eskwelahan.

Pahayag ito ni LWUA President Atty. Jose Moises Salonga, makaraang paimbestigahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang sitwasyon sa dalawang elementarya sa Bulacan na wala o hindi stable ang water supply.

Sinabi ng opisyal na nakapagbaba na sila ng memorandum circular sa 532 water districts, upang ipagbigay alam sa pamahalaan ang lahat ng water supply issues sa kanilang nasasakupan.

Sakop na aniya ito ang kapwa pribado at pampublikong paaralan sa kanilag hurisdiksyon.

Sabi ng opisyal, pino-proseso na ng kanilang tanggapan ang mga dumating na ulat at posible na sa Lunes o Martes ay matapos na ang mga review na ito.