-- Advertisements --

LA UNION – Bangkay na nang matagpuan ang isang lola matapos itong mawala ng tatlong araw.

Nakilala ang biktima na si Marilyn Gaetos, 64-anyos, residente ng Barangay Ili Sur, San Juan, La Union.

Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay Pol. Capt. Gerardo Macaraeg, hepe ng San Juan Police Station, naipagbigay alam sa kanila ang pagkawala ng biktima noong Lunes.

Ayon kay Capt. Macaraeg, agad silang rumisponde ng malaman na nakita na a ang katawan nito na lumulutang sa balon.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, di umano may sakit na epilepsy ang biktima na dahilan ng kanyang pagkakahulog sa balon.

Napag-alaman din na may sakit umano sa pag-iisip ang biktima.

Sa ngayon, nakaratay na ang bangkay ng biktima sa tahanan ng mga ito sa nasabing bayan.