-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Arestado ang isang sinasabing lider ng kulto sa Camiguin dahil sa patung-patong na reklamo ng panghahalay at illegal detention.
Ayon kay Mambajao Police Station chief police Capt. Arnold Gaabucayan, may pitong warrant of arrest na nakahain laban kay Petronillo Magalleon, 75-anyos.
Nahaharap daw kasi ito sa anim na warrant of arrest dahil sa kasong rape, at isang count ng illegal detention.
Dati na aniya nahuli si Magalleon dahil sa pangmo-molestiya ng kanya umanong grupo na “Kamatooran.”
Maliban dito, nabatid na may kasong illegal position of firearms ang suspek ngunit nakapaghain lang ng piyansa.