Dinagsa ng humigit-kumulang 120,000 katao ang isang stadium sa Douala, ang pinakamalaking lungsod sa Cameroon, upang dumalo sa misa ni Pope Leo XIV bilang bahagi ng kanyang apat na bansang pagbisita sa Africa.
Ginaganap ang misa sa Japoma Stadium sa ilalim ng mahigpit na seguridad. May ilang deboto pa ang nagpalipas ng gabi sa labas ng venue upang masaksihan nang personal ang Santo Papa.
Sa kanyang gospel, nanawagan si Pope Leo sa mga mamamayan na iwasan ang karahasan sa kabila ng kahirapan. Binigyang-diin din niya na may sapat na yaman para sa lahat kung ito ay ibabahagi nang tama.
”Reject every form of abuse or violence, which deceives by promising easy gains but hardens the heart and makes it insensitive,” saad ni Pope Leo sa wikang French.
Sa kanyang pagbisita, binatikos din ng Santo Papa ang umiiral na hindi pagkakapantay-pantay at ang impluwensya ng makapangyarihang bansa sa mundo.
Nauna na rin siyang naging kritikal sa ilang lider, kabilang si U.S. President Donald Trump.
“It was difficult – the cold, the mosquitoes and everything,” wika pa ng Santo Papa.
Samantala, patuloy na hinaharap ng Cameroon ang iba’t ibang suliranin sa seguridad at pulitika sa ilalim ng pamumuno ni Cameroon President Paul Biya.
Sa kabila nito, mainit ang pagtanggap ng mga mamamayan ng Cameroon kay Pope Leo, na ayon sa mga lider ng simbahan ay nagbibigay ng pag-asa at inspirasyon sa bansa.















