Nagsagawa muli ng fundraising ang mga kaibigan at kapwa drag artist ni Amadeus Fernando Pagente o mas kilala bilang Pura Luka Vega, pambayad sa legal fees at upang hindi na ito humimas ng rehas.
Nauna nang iniulat na naaresto muli kahapon, Peb.29, Huwebes ang naturang drag artist dahil sa kaniyang kontrobersyal na “Ama Namin” performance na nagpapakita raw ng “blasphemy”.
Ayon sa online post ng iba’t ibang Dragrace Philippines artist, naniniwala sila mayroon pang mas malalang isyu sa mga sektor na dapat mas pagtuunan ng pansin at aksyunan.
Iginiit naman ng ibang national democratic alliance of LGBTQ+ organizations gaya ng Bahaghari at Lakapati Laguna na pag atake raw umano ito sa kanilang freedom at artistic drag expression.
Sa ngayon, patuloy ang pangangalap at paglulunsad nila ng donation drive para agarang pag piyansa sa nasabing drag artist. (With reports from Bombo Joanna Martinez)