-- Advertisements --
Pumanaw na ang isa celebrity magician na si Roy Horn dahil sa coronavirus complications.
Si Horn ay ka-tandem ng sikat na entertainers na Siegfried and Roy kung saan ang isa ay si Siegfried Fischbache.
Ang 75-anyos na si Horn ay namayagpag ng husto sa kanilang mga show sa Las Vegas sa loob ng 40-taon at sa mga World tours.
Ang German American duo ay tinawag na mga superstars kung saan kabilang sa kanilang gimik ay ang pagkawala na parang bula ng higanteng elepante sa harap ng mga nanonood gamit ang nakakamanghang magic.
Kilala rin sila sa paggamit ng iba pang mga hayop sa kanilang mga shows na nagbibigay aliw ng husto sa kanilang mga fans.