-- Advertisements --

Kompiyansa si Senador Lito Lapid na magagampanan nang buong husay at may determinasyon ni former Senator Ralph Recto ang pagkakatalaga sa kanya bilang bagong kalihim ng Department of Finance (DOF).

Ayon kay Lapid, kilala niya nang personal si Recto at masipag, matalino, magaling na ekonomista ang dating mambabatas.

Bilang dating mambabatas aniya ay hindi matatawaran ang naging ambag at legasiya ni Recto sa pagsusulong ng mga pagbabago at economic reforms para umangat ang buhay ng bawat Pilipino.

Bukod pa rito, bukas din aniya ang isipan ni Recto na makinig at timbangin ang magkakaibang panig sa masasalimuot na usapin.

Susuportahan naman ni Lapid ang mga economic reform measure at programs na isusulong ng Marcos administration para sa kapakanan ng buong bansa.