Pinaiimbestigahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga sinasabing illegal mining activities na nagdulot ng landslide sa gitna ng hagupit ni bagyong Ulysses.
“Kapag maraming butas, maraming tubig ang pumapasok sa loob ng lupa. That’s why kapag may landslide, it loosens the soil, ‘yan ang i-kontrol mo,” ani Duterte sa Cabinet meeting sa Cagayan nitong hapon.
Ayon kay Environment Sec. Roy Cimatu, 10 indibidwal mula sa isang illegal mining site ang namatay sa kasagsagan ng pananalasa ni bagyong Ulysses dahil sa landslide.
“There’s no mining permit in the area that was given permit, except this small scale. This illegal one.”
Hindi pinangalanan ng kalihim ang itinuturong mining site, pero nagsampa na raw sila ng kaso laban dito. Naglabas na rin ang kagawaran ng cease and decist order para maisara at tumigil ang operasyon nito.
Sang-ayon si Cimatu sa panukalang dredging sa o pagbubungkal pa ng lupa sa ilalim ng Cagayan river. Pati na sa pagpapalakas pa ng tree planting activity sa kabundukan ng Sierra Madre.
“I approved the request of the governor of a 30-kilometer dredging from the mouth of the (Cagayan) river upstream and that will really help a lot. That dredging will not cost on the part of the government,” ani Cimatu.
“Wheter we like it or not, the flooding will again come and ‘yan lang ang nakikita kong engineering intervention that we can do.”
Magugunitang sinuspinde ni Cimatu ang operasyon ng quarrying sites sa Guinobatan, Albay dahil sa naging epekto nito nang humagupit ang Super Typhoon Rolly.










