Lalawigan ng Bohol at ilang mga lgu’s ng Cebu, nagkansela ng klase ngayong araw dahil sa masamang panahon dulot ng TD Paeng
Maaga pa lang ay nag-anunsyo na ang ilang local government units (lgus) sa Cebu ng pagkansela sa mga pasok ngayong araw, Oktubre 26, dahil sa mga nararanasang malakas na pag-ulan dulot ng tropical depression Neneng.
Kabilang sa mga lgus ng Cebu na nagdeklara ng suspensyon ng klase ay ang Minglanilla, Talisay City, Mandaue City, Cordova at Compostela.
Dahil sa walang tigil na pag-ulan, nararanasan ang mga pagbaha sa iba’t ibang parte ng Metro Cebu.
Sa katunayan, may naitala ang abot bewang na baha tulad ng sa Subangdaku lungsod ng Mandaue.
Temporaryong isinara dn kanina ang old Mactan-Mandaue Bridge dahil sa mataas na lebel ng tubig baha malapit sa isang unibersidad.
Samantala, ipinag-utos na rin kaninang umaga ni Governor Aris Aumentado na suspendihin ang klase sa lalawigan ng Bohol ngayong araw dahil sa walang tigil na pag-ulan.
Patuloy naman ang isinagawang monitoring sa mga landslide at flood prone areas.