-- Advertisements --
Florida Hitchens
The Hitchens couple (FB photo)

Isang taxi driver mula sa Florida na dating sa akala ay hindi totoo ang isyu sa COVID-19 ay namatay ang misis dahil sa virus.

Ayon kay Brian Lee Hitchens at kanyang misis na si Erin, una na raw silang may nakabasa sa online na hindi naman daw totoo ang virus at gawa-gawa lamang ito.

Basi pa sa kanilang nabasa, ang COVID ay iniuugnay lamang sa 5G o katulad sa “simple flu.”

Nang magkasakit ang mag-asawa noong buwan Mayo, sinasabing hindi rin nila sinunod ang health guidance o kaya magpagamot sa mga eksperto.

Bagamat nakarekober umano si Brian, ang kanya namang asawa na si Erin, 46, ay hindi pinalad matapos lumala ang karamdaman hanggang sa pumanaw ito nitong buwan dahil sa heart problems na iniuugnay sa coronavirus.

Sa ngayon labis daw ang pagsisi ni Brian na sana ay nakinig siya noong una pa man.

Hiling din niya na sana patawarin siya ng kanyang misis.