-- Advertisements --
CdeO Map
CdeO Map

CAGAYAN DE ORO CITY – Hinuli ng pulisya ang isang 28-anyos na lalaki matapos umano itong nag-masturbate sa loob ng isang internet cafe sa Cogon area sa lungsod.

Kinilala lamang ang suspek sa pangalang Danilo, binata at residente ng bayan ng Laguindingan, Misamis Oriental.

Siya ay hinuli ng pulisya dahil sa sumbong umano ng isang walong taong gulang na batang babae na nakakita sa ginawa nitong kabastusan habang nanonood ng malalaswang video sa computer.

Nakaramdam rin ng “trauma” ang batang Muslim dahil sa kanya umano pinahid ng suspek ang semilya nito.