NAGA CITY – Patay ang isang lalaki matapos na barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Lopez, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Marguelito Lizano Gamora, 36-anyos, residente ng Barangay San Vicente, Buenavista sa nasabing lalawigan.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabagtas ng biktima ang Lopez-Buenavista Road patungo sa bayan ng Buenavista kasama ang dalawa pa nitong kaibagan sakay ng motorsiklo ng murahin ng biktima ang driver ng motorsiklo na nakasunod sa mga ito na patungo rin sa kaparehas na direksyon.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na dahil dito agad naman na bumunot ng baril ang suspek at dito na binaril sa ulo ang biktima na naging dahilan naman ng agaran nitong pagkamatay.
Samantala, napag-alaman naman na nasa ilalim ng epekto nh alak ang biktima ng mangyari ang insidente.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad lalo na ang pagtukoy sa pagkakakilanlan at kinaroroonan ng suspek na agad namang tumakas matapos ang nasabing insidente.