-- Advertisements --

ILOILO CITY – Huli sa entrapment operation ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)- Iloilo city Field Unit ang lalaki na nanghingi ng “breakup sex” sa kanyang ex-girlfriend at nagpakalat pa ng nude pictures nito.

Ang arestado ay si Francisco Boteja Jr. ng bayan ng Cabatuan, Iloilo.

Samantalang ang biktima ay si Alyas Ruffa, supervisor ng isang appliance store at residente rin ng nasabing bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Pol. Major Jess Baylon, chief ng CIDG-Iloilo City, sinabi nito na dumulog sa kanilang opisina si Alyas Ruffa dahil sa di umano’y panghihingi ng lalaki ng isang milyong peso bilang kabayaran sa apat na taon na pangangalaga nito sa kanya.

Dahil hindi kaya ni Alyas Ruffa ang halaga ng babayaran kay Boteja, humingi ng break up sex ang lalaki at bumaba sa P500, 000 ang hinihingi na pera hanggang sa bumaba pa sa P10, 000.

Aniya, binanta-an ng suspek ang biktima na papatayin ito at ang kanyang pamilya sakaling hindi maibibigay ang hinihinging pera.

Bago ang panghihingi ng pera, na i-send na ng suspek ang nude pictures ng biktima sa mga tiyahin nito, sa ama ng anak nito at pati na rin sa anak ng biktima kung saan, nilalarawan pa nito ang kanilang ginagawa kung sila lamang dalawa.

Haharap ang biktima sa kasong Robbery Extortion, Grave Coercion at Grave Threats.

Todo iyak naman ang suspek at mariing pinabulaanan ang mga alegasyon laban sa kanya.